Paglaganap ng love scam pinaiimbestigahan sa Senado

Paglaganap ng love scam pinaiimbestigahan sa Senado

NAIS paimbestigahan ni Sen. Win Gatchalian sa Senado ang paglaganap ng mga love scam at iba pang online fraud na matagal nang ginagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na ngayo’y ipinagbabawal na sa bansa.

Sa kaniyang inihain na Senate Resolution No. 1317, layunin nitong suriin muli at palakasin ang polisiyang pagbabawal sa mga POGO na nauugnay sa love scams.

Ayon sa senador, kailangan ng pakikipagtulungan at koordinasyon ng mga ahensiya ng gobyerno sa kanilang international counterparts upang epektibong labanan ang love scam at usigin ang mga scammer na nagkalat sa iba’t ibang lugar.

Batay sa ulat ng Australian Federal Police, humigit-kumulang 5,000 Australian ang nabiktima ng isang love scam center na nag-ooperate sa Pilipinas, kung saan humigit-kumulang AUS$24 milyon ang nawala dahil sa panloloko sa mga lalaking Australian nationals sa pamamagitan ng online dating apps.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble