ILILIPAT sa Hunyo 11, 2025 ang paglalahad ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon ito kay Senate President Chiz Escudero upang bigyang-daan ang pagtalakay ng Senado sa mga prayoridad na panukalang batas bago mag-adjourn ang 19th Congress.
Bukod sa pagpasa ng mga panukala, binanggit din ni Escudero ang pangangailangang aksiyunan ang higit 200 presidential appointments.
Kabilang na ang tatlong miyembro ng gabinete; apat na opisyal ng Constitutional Commissions; 39 na Foreign Service officers; at 277 na opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Orihinal na itinakda sa Hunyo 2 ang paglalahad ng articles of impeachment laban kay VP Sara.
Sa oras naman na mailahad ito sa plenaryo, maaari nang magsilbing impeachment court ang Senado at isagawa ang paglilitis kay VP Sara.