TAPOS na ang paglilinis sa oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, nasa 95% na apektadong baybayin ang nalinis na.
Wala na rin aniyang laman ang tangke ng langis sa lumubog na barko.
Susuriin naman ngayong linggo ang mga apektadong baybayin upang matiyak kung ito ay lubos na nalinisan.
Mababatid na lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero na naglalaman ng 800,000 litro ng industrial fuel oil.