Kauna-unahang 5-star hotel, itatayo sa Panglao, Bohol

Kauna-unahang 5-star hotel, itatayo sa Panglao, Bohol

ITATAYO ang kauna-unahang 5-star hotel sa Panglao, Bohol ang JW Marriott.

Ito ang luxury brand ng Marriott International Hotel at Cebu-based development company na AppleOne Group Inc.

Sa naging deal, sinasabi ng AppleOne na nakikita na nila ang magiging future industry ng Bohol.

Lalo na at special ito dahil sa tropical island life na hitik sa waterfalls, cave pools, at iba pa.

Sa panig ng JW Marriott, ang magiging 5-star hotel sa Panglao ay karagdagan sa kanilang 100 luxury hotels na sa 35 mga bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter