Paglitaw ng Russian Attack Submarine sa EEZ ng Pilipinas, dahil sa labis na pagiging pro-American ng Marcos admin—Geopolitical Analyst

Paglitaw ng Russian Attack Submarine sa EEZ ng Pilipinas, dahil sa labis na pagiging pro-American ng Marcos admin—Geopolitical Analyst

BALAK ng Russian na muling gumawa ng intermediate at short range nuclear capable missiles.

Kasunod ‘yan ng pagpapadala ng Amerika ng weapons system sa ilang bansa, kabilang ang Pilipinas.

Nitong buwan ng Hunyo, mismong si Russian President Vladimir Putin ang nagbasi nito bilang protesta sa tinawag niyang paglabag ng United States sa 1987 Intermediate-range Nuclear Forces (INF) Treaty.

“Apparently, we need to start manufacturing these strike systems and then, based on the actual situation, make decisions about where—if necessary to ensure our safety—to place them,” pahayag ni Russian President Vladimir Putin.

Kabilang sa treaty na ‘yan ang pagpayag ng nuclear powered countries gaya ng Russia at US na limitahan o di kaya’y ihinto ang paggawa ng nuclear arsenals.

“The Intermediate-range Nuclear Forces (INF) Treaty, signed by Mikhail Gorbachev and Ronald Reagan in 1987, marked the first time the superpowers had agreed to reduce their nuclear arsenals and eliminated a whole category of nuclear weapons.”

Kaya para sa geopolitical analyst na si Professor Anna Malindog-Uy, hindi na nakapagtataka na lumitaw kamakailan sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa ang isang Russian Attack Submarine.

“Though sinabi ng Russia na were just passing by, there’s something to it. Sa laki ng South China Sea? Common, give me a break! Ang exclusive economic zone pa ng Pilipinas ang dinaanan ng attack submarine ng Russia,” wika ni Prof. Anna Malindog-Uy, Geopolitical Analyst.

Ang basa ni Malindog-Uy, dahil ito sa typhon missile system na iniwan ng US government sa ilang EDCA sites matapos ang Balikatan Military Exercise.

“Dalawang bansa ang nari-react diyan, that is Russia and China. And do you really think China and Russia will just sit down? When we have those typhon missile system na supposedly dapat natanggal na at na-remove na last September,” wika ni Prof. Anna Malindog-Uy, Geopolitical Analyst.

Pagdidiin pa ng propesora, crucial ang magiging aksiyon dito ng Marcos administration sa aniya’y pagpapakita ng Russia sa kapabilidad nito sa ilalim ng dagat.

Kilala ang Russia na may maraming nuclear powered submarine na kayang manatili sa ilalim ng dagat nang ilang buwan nang hindi nadi-detect sa radar.

Ayon sa Philippine Navy, first time na may ma-detect silang Russian Sub sa loob ng ating EEZ.

“It’s not every day that you detect a submarine in your EEZ,” pahayag ni Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, PH Navy Spokesperson for the West Philippine Sea.

“Tanggalin na ‘yang typhon missile system kasi kahit ‘yung 9 EDCA bases pa lang, ay nagko-cause na ng irritation, animosity and even some kind of uncomfortability not only kay China at kay Russia—even regional countries especially ASEAN countries,” giit ni Malindog-Uy.

Sa huli, nanawagan si Malindog-Uy sa Marcos government na rebisahin ang foreign policy ng Pilipinas.

At iiwas tayo sa pag-uumpugan ng mga malalaking bansa dahil hindi ‘yan giyera ng mga Pilipino.

“The tension, geopolitically speaking is between the United States and Russia and United States and China. So ang Pilipinas, we need to insulate ourselves,” ayon pa kay Malindog-Uy.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter