Pagnanais ng iba na imbestigahan ang drug war ng PRRD admin, personalan—Sen. Bato

Pagnanais ng iba na imbestigahan ang drug war ng PRRD admin, personalan—Sen. Bato

PERSONALAN at hindi na para sa kabutihan ng bansa ang pagpupumilit ng iba na imbestigahan ang drug war campaign ng Duterte administration.

Ito ang lantarang sinabi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa panayam ng SMNI News.

Aniya pa, sino ba ang nagmamahal sa bansa kung sinisiraan ito.

Naniniwala rin si Sen. Dela Rosa na hindi na maloloko ang taumbayan dahil kahit tingnan sa mga survey ay nananatiling mataas ang satisfaction at trust rate ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kamakailan ay sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na magiging aral sana ng mga dumidepensa ng drug war campaign ni dating Pangulong Duterte ang arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Russian President Vladimir Putin.

Ang tinutukoy na arrest warrant laban kay Putin at Russian official nitong si Maria Lvova- Belova ay ang naiulat na planong sapilitan na pagpapa-deport ng 16-k na mga kabataang Ukrainian.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter