POSIBLENG magkaroon ng pagnipis sa reserbang kuryente ngayong magsisimula na ang tag-init.
Ito ang sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa inaasahang pagsipa ng demand o konsumo sa kuryente.
Sa tantiya ng Department of Energy (DOE) ngayong taon para sa Luzon ay aabot sa 13,125 megawatts ang kabuuang peak demand at madalas itong nangyayari tuwing katapusan ng buwan ng Mayo.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa 12,113 megawatts noong May 2022.
Para sa Visayas, ang peak demand na madalas nangyayari sa buwan ng Setyembre ay tinatayang aabot sa 2,691 megawatts.
Mas mataas din ito kung ikukumpara sa 2,316 megawatts noong September 2022.
Para sa Mindanao, ang peak demand na madalas nangyayari sa buwan ng Hunyo ay tinatayang aabot ng 2,395 megawatts.
Mas mataas sa 2,167 megawatts noong June 2022.