Pagpapabalik ng impeachment case vs. VP Sara sa Kamara isang tagumpay—Sen. Bato

Pagpapabalik ng impeachment case vs. VP Sara sa Kamara isang tagumpay—Sen. Bato

MAIKOKONSIDERA bilang isang tagumpay ang pagpapabalik ng impeachment case ni Vice President Sara Duterte sa Kamara.

Ito ang naging pahayag ni Sen. Bato Dela Rosa lalo na at 18 o mayorya sa mga senador ang pumabor na ibalik muna sa Kamara ang Verified Impeachment Complaint laban sa Pangalawang Pangulo.

Ayon pa kay Sen. Bato, parang katumbas na rin ang pagpapabalik ng impeachment case bilang dismissal.

Ngunit nilinaw ng senador na hindi pa dismissed ang kaso laban kay VP Sara dahil pansamantalang hakbang lamang ito upang masuri pa ang pagiging valid ng complaint.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble