NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang Gabinete ngayong araw.
Ginanap ang Cabinet meeting sa Malacañang Palace kung saan natalakay ang patungkol sa mga hakbang para sa pag-usad ng mga plano ng administrasyon.
Kabilang dito ang pagpapabuti ng pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng digital na pamamaraan.
Napag-usapan din sa pulong ang health protocols pagdating sa pagbiyahe at ang panukalang gawing mas maluwag ang travel restrictions sa bansa.