Pagpapairal ng kautusan ng ICC, kinuwestiyon ni incoming Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile

Pagpapairal ng kautusan ng ICC, kinuwestiyon ni incoming Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile

KINUWESTIYON ni dating Senate President at ngayon ay incoming Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang muling pagbuhay ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Enrile, sakali mang magkaroon ng imbestigasyon at mapatunayang may kasalanan ang kasalukuyang Pangulo, wala aniyang military force ang ICC para ipatupad ang kanilang warrant of arrest.

Kaugnay nito, sinabi ni Enrile na pakana lang ito ng mga grupong kumakalaban sa gobyerno na nag-uudyok sa ICC.

Dagdag pa ni Enrile, hindi nakikita ng ICC kung gaano tinanggap ng mayorya sa mga Pilipino si Pangulong Duterte, dahil motibo ng ICC na magkaroon ng gulo at humina ang isang bansa.

Bukod pa dito, binigyang-diin ni Enrile na balewala ang kapangyarihan ng ICC sa isang matatag at matibay na bansa.

Matatandaang inihayag ni ICC Prosecutor Karim Khan, hiniling nito sa pre-trial chamber na payagan silang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa umano’y patayan na nangyayari sa Davao City at sa war on drugs ni Pangulong Duterte.

Una na ring inihayag ng Pangulo na hindi nito papayagan na malitis sa ICC at papayag lamang na imbestigahan sa isang korte ng Pilipinas at sa harap ng Pilipinong mahistrado.

Noon pa man ay sinabi na ni Pangulong Duterte na hindi niya maatim ang karumal-dumal na pinanggagawa ng mga drug offender kaya nanindigan ang Pangulo na ipagpapatuloy nito ang war on drugs kahit na sa kanyang pagbaba sa pwesto.

Follow SMNI NEWS in Twitter