Pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas, suportado ng League of Municipalities of the PH

Pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas, suportado ng League of Municipalities of the PH

SUPORTADO ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ang pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas.

Ito’y upang mabigyan ng sapat na trabaho ang mga Pilipino.

Sa panayam kay LMP Vice President for External Affairs Nunungan Mayor Marcos Mamay, mainam aniya bigyan ng sapat na atensiyon ang pagpapa-usbong ng mga magagandang lugar, tanawin at atraksiyon na maipagmamalaki sa buong mundo.

Pero apila ng alkalde sa pamahalaan ang paigtingin ang seguridad sa mga lugar na madalas na pinupuntahan ng mga turista para sa kaligtasan ng lahat.

Naniniwala si Mamay, na mas mapapabuti ang paglago ng turismo sa bansa kung may sapat at maayos na seguridad sa mga atraksiyon o mga destinasyon sa bansa.

Ito’y magsisilbing tulay para sa tuluy-tuloy na oportunidad para sa mga mamamayang Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter