Pagpapalakas sa disaster resilience program ng pamahalaan, ipinanawagan ng mga senador

Pagpapalakas sa disaster resilience program ng pamahalaan, ipinanawagan ng mga senador

IPINANAWAGAN ngayon ng mga senador na paigtingin ang disaster resilience program ng pamahalaan kasunod ng malakas na lindol kahapon.

Bandang alas 8:43 ng umaga araw ng Miyerkules ay niyanig ng malakas na lindol ang hilagang bahagi ng bansa.

Sa mga larawan na nagkalat sa social media ay kitang-kita na pinadapa ng magnitude 7.4 na lindol ang ilang gusali kung saan lima ang patay base sa pinakahuling tala ng mga otoridad kahapon.

Dahil dito ay ipinanawagan ng mga senador na paigtingin ang disaster resilience at response program ng pamahalaan.

Para kay Senator Padilla, malaki ang magiging tulong ng Medical Reserve Corps at pagmandato ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa pagresponde sa lokal na lebel.

“Kailangan po natin magdagdag (ang pagiging handa). May magandang panukala ang ating mahal na Pangulong Marcos na magkaroon ng medical (reserve) corps. Bukod po yun sa pagmandato sa ROTC. Kailangan natin gawin yan at ganoon din dati noong 18th Congress, alam ko na-filed ito ni Sen. Bong Go, na mahandaan sa ganitong mga disaster. Siyempre sa climate change di natin maiwasan ito lalo na ang Pilipinas, lagi tayong tinatamaan,” pahayag ni Senator Robin Padilla.

Pagbuo naman ng Department of Disaster Resilience ang ipinanawagan ni Senator Bong Go.

“This event, once again, makes our long-running clamor for the establishment of the Department of Disaster Resilience relevant. Once established, we will have a Cabinet secretary-level department whose primary tasks are not limited to extending immediate assistance but also making sure the rapid recovery and rehabilitation of affected communities. ‘Immediate return to normalcy’ ang isa sa pinakamahalagang magiging mandato ng itatatag na DDR,” ayon naman sa pahayag ni Senator Bong Go.

Ayon sa senador ito ay tututok di lamang sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima kundi pabibilisin din ang rehabilitasyon at recovery ng mga apektadong komunidad.

Ang panawagan ni Senator Go ay sinegundahan naman ni Senator Grace Poe.

“In our people’s hour of need, government must manifest its presence through a swift, coordinated response in providing for their immediate needs,” pahayag ni Senator Grace Poe.

“The incident brought to fore our previous call for a Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management, which will be the first responder during calamities,” dagdag ni Poe.

Ikinalulungkot ni Poe ang nangyari sa mga biktima ng lindol kung kaya’t nais rin niya na magkaroon ng Department of Disaster Resilience.

“Safety is the most important concern now. We need to ensure the integrity of our infrastructure – bridges; houses; and buildings, including schools and hospitals,” pahayag ni Senator Bong Revilla.

Kaugnay sa nangyaring lindol ay agad naman na pinasusuri ni Senator Bong Revilla sa DPWH ang mga imprastraktura at malalaking gusali.

Mahalaga aniya na safe ang ating mga kababayan mula sa posibleng delayed na pagguho ng mga imprastraktura.

Follow SMNI News on Twitter