MULING ipinangako ni Taiwanese President Tsai Ing-wen na palalakasin nito ang self-defense ng bansa.
Kasabay ito sa pagbisita ni Tsai sa isang war memorial nang magkaroon ng digmaan sa pagitan ng Taiwan at China 65 taon na ang nakalipas.
Inanunsiyo na ng Taiwan na nilakihan nila ang budget para sa kanilang self-defense ng 3.5% kumpara sa pondo nito ngayong taon.
Ang war memorial ay matatagpuan sa Kinmen Islands malapit sa Taiwan Strait, ang bahagi ng karagatan na naghihiwalay sa Taiwan mula sa China.