TINATAYANG nasa P14.7-B ang magiging gastos para sa ipinapanukalang pagpapalawak ng Iloilo Airport.
Ito ang isiniwalat ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. batay na rin sa datos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ang pagpapalawak na ito ay para na rin makapag-cater ng mas maraming pasahero ang airport.
Para maisaayos na rin anila ang inirereklamong poor airconditioning at mga hindi gumaganang elevators at escalators sa paliparan.