PINANGUNAHAN ng Situational Awareness and Knowledge Management Cluster ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) katuwang ang 86th Infantry Battalion ang pamamahagi ng mga mahahalagang impormasyon kaugnay sa pagpapanatili ng pagiging malaya sa mga Communist Terrorist Group (CTG).
Ito’y sa pamamagitan ng ginanap na Community Dialogue na ginanap sa Brgy. Palacian, San Agustin, Isabela.
Nakasentro sa pagbahagi ng kaalaman ang mapanlinlang na pagrerekrut ng CPP-NPA-NDF, lalong-lalo na sa mga magsasaka, kababaihan, at kabataan.
Samantala, ang mga kasundaluhan ng 86th Infantry Battalion ay nangako na magpapatuloy sa pagbibigay ng kaalaman, serbisyo, seguridad, at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad at sa lahat ng nasasakupan nito.