SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatayo ng gusali para sa tanggapan ng National Labor Relations Commission (NLRC) sa Agham Road, Quezon City.
Ang gusali ay magkakaroon ng 15 palapag.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang bagong NLRC Building ay magkakaroon ng office spaces, conference halls, public spaces, multipurpose rooms, at mga parking lots.
Simula 90’s ay walang sariling gusali at kasalukuyan nagrerenta lamang ang NLRC.
Ang pagpapatayo ng mga bagong government offices para sa pagpapaunlad ng mga programa ng pamahalaan ay sa ilalim ng Build, Better, More Program ng Marcos admin.