Pagpapatayo ng korte na tututok sa iligal na droga, kailangan ng pondo –pinaboran ni Sen. Dela Rosa

Pagpapatayo ng korte na tututok sa iligal na droga, kailangan ng pondo –pinaboran ni Sen. Dela Rosa

NANGANGAILANGAN ng pondo ang pagpapatayo ng mga korte na tututok sa paglilitis ng mga kasong may ugnayan sa iligal na droga.

Ang suhestiyong ito ni Leyte 4th District Rep. Mayor Richard Gomez ayon kay Sen. Bato dela Rosa sa panayam ng SMNI News ay napakaganda.

Kaugnay nito ay mainam kung makapagpatayo ang Pilipinas ng iba pang mga korte para may tututok sa ibang uri ng kaso.

Samantala, bagamat hindi na itutuloy ni Sen. Dela Rosa ang dekriminalisasyon ng small-time illegal drug using, isusulong naman nito ang pagpapatanggal ng court order para sa mga indibidwal na nais magpa-rehab.

 

Follow SMNI News on Twitter