SINIMULAN na ang konstruksiyon ng pinakamalaking wildlife crossing sa mundo.
Isang tulay na idinisenyo para sa mga mountain lion at iba pang hayop na nananahan sa mga lungsod ng Southern California.
Nagsagawa ng seremonya ang mga opisyal noong Biyernes upang markahan ang pagsisimula ng pagtatayo ng $90 million na halaga na tulay sa ibabaw ng isang freeway at feeder road na humigit-kumulang 35 milya ang haba sa hilagang-kanluran ng downtown Los Angeles.
Ang crossing o tawiran ay inaasahang aabot sa lahat ng sampung lane ng 101 freeway na kilala bilang US Route 101.
Ang tulay ay itatago ng mga puno at mga damuhan at lalagyan ng mga sound barrier kapag natapos ito sa 2025.
“There are a series of wildlife crossings that exist elsewhere in the world, elsewhere in the United States, but none of them is this size, this scale in this kind of incredible urban location. We got an incredible density of the place. So it’s the largest urban wildlife crossing in the world for those reasons,” ayon kay Robert Rock, Principal and Chief Operating Officer at Living Habitats, LLC.
Humigit-kumulang tatlong-daang libong sasakyan sa isang araw ang naglalakbay sa kahabaan ng 101 sa Agoura Hills, isang maliit na lungsod na napapaligiran ng isang tagpi-tagpi ng protektadong wildland o tirahan ng mga hayop na magdudugtong sa bagong tawiran nila.
“Scientists have found that the mountain lions are not able to get around and interbreed and so we have cut off their habitat with the freeway, so this is a way to rebuilt their habitat and reintroduce them to each other,” saad naman ni Andy Shrader, Director of Environmental Affairs for LA City Councilmember Paul Koretz.
Dinaluhan ang groundbreaking ceremony ng mga lokal na pulitiko, kabilang na ang gobernador ng California na si Gavin Newsom.
Ang mga wildlife crossing na magiging mga tulay at lagusan ng mga hayop ay karaniwang matatagpuan sa kanlurang Europa at Canada. At ngayon ang tamang oras upang magtayo ng parehong mga istraktura ang Estados Unidos.