Pagpatutupad sa RA 11939, magiging hamon ng bagong DND Chief—Rep. Tupas

Pagpatutupad sa RA 11939, magiging hamon ng bagong DND Chief—Rep. Tupas

IGINIIT ngayon ni House Committee on National Defense chairman Raul ‘Boboy’ Tupas na magiging hamon sa bagong kalihim ng Department of National Defense (DND) ang pagpatutupad sa RA 11939 na mag-aamyenda sa fixed-terms ng military officers.

Ayon kay Tupas, malaking hamon ito sa pagbabalanse sa pagpatutupad ng bagong batas.

“The third crucial issue awaiting the new secretary is the implementation of Republic Act 11709, as amended by RA 11939 on a tour of duty, retirement, and attrition in the Armed Forces of the Philippines (AFP), which was signed into law,” ayon kay Tupas.

Sa ilalim ng bagong batas, mananatili sa tatlong taon ang maximum tour of duty ng AFP chief of staff maliban lamang kung ite-terminate ito ng mas maaga ng Pangulo.

Mula naman sa tatlong taon ay paiikliin sa dalawang taon, ang termino ng commanding general ng Philippine Army (PA), commanding general ng Philippine Air Force (PAF), at flag officer in command ng Philippine Navy (PN).

Habang dalawang taon din ang fixed-term ng hepe ng Philippine Military Academy (PMA).

Tiwala naman si Tupas sa kakayahan ni bagong Defense chief Gibo Teodoro na magagampanan nito nang tama ang kaniyang tungkulin sa DND.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter