Pagsasampa ng mabibigat na kaso vs mga kidnapper sa 3 Pinoy at pagpatay sa 6 na Chinese, pinatututukan ng DOJ

Pagsasampa ng mabibigat na kaso vs mga kidnapper sa 3 Pinoy at pagpatay sa 6 na Chinese, pinatututukan ng DOJ

MAHIGPIT na inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang mga state prosecutor na tiyakin ang pagsasampa ng malakas na kaso laban sa mga sangkot sa pagkidnap at pagpatay sa anim na Chinese nationals at tatlong Pilipino sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City noong Oktubre 30, 2023.

Ito’y makaraang nakitaan ng probable cause ang tatlong suspek para kasuhan ng four counts na kidnapping at serious illegal detention with homicide, apat na bilang ng kidnapping at serious illegal detention, isang count ng slight illegal detention at isang count ng carnapping.

Base sa resolusyon nitong Pebrero 15, 2024, kinilala ang mga suspek na sina Edgar Catapang Abarca, Eduardo Catapang Abarca, at John Oliver Villanueva aka Carlo Acero Villanueva na pawang kinasuhan sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC).

Tatlong Pinoy ang kinidnap at pinalaya ng mga suspek sa Calauan, Laguna isang araw matapos ang pagdukot, habang natagpuang patay naman ang apat na Chinese at itinapon ang mga bangkay sa Rizal at Quezon noong Nobyembre, habang hinahanap pa ang dalawa pang bihag na Chinese.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble