ARTIFICIAL Intelligence (AI) – ito ang patok sa panahon ngayon pagdating sa usapin ng computer science na naglalayong magdisenyo at mag-develop ng mga sistema na nagpapakita ng mga katangian ng katalinuhan na karaniwang nauugnay sa mga tao.
Sa madaling salita, ito ay ang kakayahan ng mga makina na mag-isip, matuto, at kumilos tulad ng mga tao.
Kaya naman ang lungsod ng Parañaque ay hindi pahuhuli kung ito naman ay makatutulong sa mga guro sa kanilang pagtuturo kung saan madaling matututo ang mga estudyante nito.
Araw ng Lunes sinimulan na ng mga guro sa Lungsod ang workshop.
Ang workshop na ito ay naglalayon na bigyan ang mga guro ng kaalaman at kasanayan upang magamit ang pagbabagong potensyal ng MATATAG AI, isang makabagong teknolohiya na idinisenyo upang pahusayin ang mga kasanayan sa pagtuturo at i-personalize ang mga karanasan sa pag-aaral para sa mga mag-aaral.
Ang Matatag Curriculum AI software ay sisimulan na gamitin para sa school year 2024-2025.
“And this will be integrated using the computer laboratories for the use of AI software,” ayon kay Mayor Eric Olivarez Parañaque City.
Sa paggamit ng software plano ng DedEd paranaque na alisin na ang lesson plan sa mga guro at para makatutok na lang sila sa pagtuturo.
“Ito pong AI kasi siyempre,tulong na rin ito sa aming teachers and they will no longer prepare a lesson plan instead mag -focus na lang sila sa pagtuturo,” saad ni Dr. Rodel Apostol Chief Curriculum Implementation Division.
“Its an AI Powered Learning platform combine sya ng learning management system tsaka learning experience,na matutungan ang mga teachers natin na mag create ng content nila kasama na yung matatag curriculum competency mapping,” ani Jen Padernal Cypher Global Ed Tech Director.
“It help our teachers for more effective in individualize teaching learning and also for the assestment so we will know that our interventions in DepEd are really targetted to improve the performance of students,” ayon kay Dr. Nerissa Losaria, Ceso V. School Division Superintendent.
Ang AI powered learning platform ay maaaring buksan sa lahat ng browser at maaaring i-dowload sa android at IOS.
Nasa P10M ang budget para sa nasabing Matatag AI na inilaan sa DepEd Paranaque at dumaan sa tamang proseso.
“Dumaan sya sa bid, dumaan sya sa process, siyempre lahat ng procurement ng gobyerno dumadaan sa proseso ng bids and awards committee,’’ani Coun. Jose Enrico Golez Chairman, Committee On Education And Cultural, History & Tourism.