OPISYAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.
Kasunod ito sa pag-alis ng Bagyong Aghon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon ng tanghali.
Umiiral na rin ayon sa State Weather Bureau ang habagat ilang araw na ang nakalipas kasabay ang kalat-kalat na pag-ulan.
Ayon pa kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, posibleng magsisimula na rin ang La Niña sa Hulyo.