UMAASA si Senator Robinhood Padilla na patuloy pa rin ang pagsulong ng turismo sa Pilipinas sa kabila ng kontrobersiyal na kinakaharap ng Department of Tourism (DOT) na “Love of the Philippines” video.
Ayon kay Sen. Padilla, hindi dapat mawala sa isip ng tao ang “Love the Philippines” bilang mensahe ng pag-ibig sa Pilipinas.
Kaisa rin aniya siya sa mga Pilipino na nais malinawan sa naging kakulangan sa Tourism campaign video ng DOT.
Bilang miyembro ng Senate Tourism Committee, suportado rin nito ang aksiyon ng DOT para tiyaking pananagutan ng sinumang responsable sa palpak na slogan video.
Iginiit din ng mambabatas na malaki pa rin ang kaniyang tiwala sa kakayahan ni Tourism Secretary Christina-Frasco at sa kagawaran.