IPINAALALA ng Commission on Elections (COMELEC) na hanggang Hunyo 11, 2025 lang ang pagsusumite ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs) ng mga kandidato noong midterm elections.
Hindi na ito palalawigin pa ayon sa poll body.
Kung hindi makapagsumite ang isang kandidato, nanalo man o natalo ito noong halalan ay may kakaharapin silang kaukulang parusa.
Ayon sa COMELEC, tumatanggap sila ng SOCE mula Lunes hanggang Sabado.
Kabilang na ang mga holiday, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa COMELEC-Political Finance and Affairs Department sa Intramuros, Maynila.
Ang lahat ng SOCE ay kailangan namang isumite sa tamang bilang ng hard copies na may kasamang soft/electronic copy (PDF at Excel format).