Pagsusuot ng face mask, hindi na kinakailangan sa international flights patungong Australia

Pagsusuot ng face mask, hindi na kinakailangan sa international flights patungong Australia

HINDI na kinakailangan sa international flights patungong Australia ang pagsusuot ng face mask sa kanilang flight simula ngayong araw.

Ang desisyon ay kasunod ng abiso mula sa chief medical officer ng bansa at matapos tanggalin ng national cabinet ang mask mandate para sa domestic flights noong nakaraang linggo.

Inihayag ni Health Minister Mark Butler na unang ipinag-utos ang pagsusuot ng face mask sa international flights sa Australia noong Enero taong 2021 upang maiwasan ang transmisyon ng COVID-19 sa flights sa bansa.

Samantala, tinanggal naman ang mask mandate isang linggo matapos baguhin ng federal government ang rekomendasyon nito para sa isolation ng mga pasyente ng COVID-19.

Ang mga asymptomatic naman na indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 ay kinakailangan lamang na mag-isolate ng 5 araw.

Ang mga indibidwal na mayroong commorbidity ay kinakailangan pa ring mag-isolate ng 7 araw kahit na symptomatic ito o hindi.

 

Follow SMNI News on Twitter