IGINIIT ngayon ng Department of Health (DOH) na walang dapat ikabahala ang publiko kahit may pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Sa pagdinig sa Kamara, mismong si Health-OIC Usec. Maria Rosario Vergeire ang nagsabi na nasa 882 cases na ang arawang kaso ng covid sa bansa.
At 79% ito na mas mataas sa nagdaang 2 linggo pero karamihan sa mga kaso ay mild at asymptomatic cases.
Sa kabila nito, saad ng opisyal na mababa pa sa 20% ang healthcare utilization rate— ibig sabihin wala pang gaanong na-oospital.
Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng DOH kung kalat na ba ang Arcturus variant na bagong covid variant.
“Isa pa lang ho ang detection natin sa ngayon, hanggang sa ngayon we are waiting for the latest genome sequencing result,” saad ni Usec. Vergeire.