IBINIDA ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagtaas ng employment rate sa bansa nitong Marso.
Sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Lunes, tumaas sa 95.3% ang employment rate sa bansa nitong Marso 2023 kumpara sa naitalang 94.2% noong Marso 2022.
Nasa 48.58 milyong Pilipino ang tinatayang may trabaho nitong Marso 2023.
Base sa datos ng PSA, nasa mga sektor ng pang-industriya at serbisyo ang may pinakamataas na oportunidad sa trabaho.
Bumababa rin nang bahagya ang unemployment rate sa bansa sa 4.7% nitong Marso 2023 mula sa 5.8% noong Marso 2022.