Memo na babawasan ang sahod ng government officials para sa presidential Turkiye relief fund, pinabulaanan

Memo na babawasan ang sahod ng government officials para sa presidential Turkiye relief fund, pinabulaanan

PINABULAANAN ng Presidential Communications Office (PCO) ang umano’y pagbabawas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno para maibigay bilang relief fund sa Turkiye.

Kasunod ito sa umiikot sa social media na isang memorandum circular hinggil dito kung saan may pangalan ng Office Of The President (OP) at lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin.

Nakasaad doon na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang deduction ng dalawang araw na sahod para sa buwan ng Marso upang may mailagak sa relief fund for Turkiye earthquake victims ng Pangulo.

Magugunitang niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang bansang Turkiye noong February 6, 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter