INAASAHAN ang muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa kasalukuyang kalakalan, tumaas ng mahigit 80 sentimos ang kada litro ng diesel at gasolina.
Habang ang kerosene naman ay tumaas din ng halos 80 sentimos ang kada litro.
Maaaring dahil dito ay umabot sa mahigit P1.00 kada litro ang aktwal na umento kapag isinaalang-alang ang mga premium at iba pang dagdag-gastos.
Ang nakikitang sanhi sa pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo ay ang paglala pa ng tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Maging ang kawalan ng pag-usad sa nuclear deal ng Estados Unidos at Iran.