Pagtaas ng Terminal Fee sa NAIA, panukala pa lamang —MIAA

Pagtaas ng Terminal Fee sa NAIA, panukala pa lamang —MIAA

INAASAHAN ang pagtaas ng terminal fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa 2025.

Sabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, maaaring tumaas hanggang P950 mula sa kasalukuyang P550 ang terminal fee.

Ito nga’y sa gitna ng P170.6-B rehabilitation project na isasagawa ng San Miguel Corporation-led consortium sa main gateway ng paliparan simula sa Setyembre.

Sa kasalukuyan ay nasa P200 ang halaga ng terminal fee para sa Domestic flight habang P550 naman para sa may International destination.

Sinabi din ng kalihim na ang eksaktong halaga ng pagtaas ay aaprubahan pa ng gabinete.

Paglilinaw naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines na ang pagtaas ng terminal fee ay proposal o panukala pa lamang kasama sa pagtaas ng mga bayarin ng mga airport stakeholder.

“Itong pagtaas ng airport fees, aaprubahan pa ng gabinete ‘yan. Oo magsasama ‘yan, lahat ‘yan proposal pa lang naman ‘yan, kaya mahirap magsalita kasi hindi natin alam kung anong magiging desisyon ng National Government,” ayon kay Eric Jose Ines, General Manager, MIAA.

Sinabi din ni Ines na bago pa man siya umupo sa puwesto ay pinag-aaralan na ang panukalang pagtaas ng rates.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble