LALO pang dumarami ang mga taga-suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy na kasalukuyang tumatakbo bilang senador at bahagi rin ng senatorial slate ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP-Laban).
Kasunod ito ng matagumpay na Nationwide Proclamation Rally ng Butihing Pastor kung saan libu-libong Pilipino ang dumalo para ipakita ang kanilang buong suporta.
Sa kabila ng mga paninira laban sa kaniya, patuloy siyang tinatangkilik ng kaniyang mga taga-suporta sa iba’t ibang panig ng bansa.
Araw ng Linggo, Pebrero 23, isang grupo mula sa National Capital Region na Bangon Bayan Sulong Pilipinas (BBSP) ang opisyal na nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa isang pagtitipon na dinaluhan ng mga lider at miyembro ng BBSP ay isang kasunduan ang nilagdaan ng grupo kasama si Sister Eleanor Cardona ang representante mula sa Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement.
Samantala, isa sa mga dumalo ay si Nanay Filomena Deloria, isang 79-taong gulang na residente ng San Juan City – sa kabila ng kanyang edad ay boluntaryo siyang nagtungo sa pagtitipon para ipakita ang kaniyang suporta.
Sabi ni Nanay Filomena, marami na siyang nasubukang politiko pero karamihan sa kanila ay nauwi lamang sa puro pangako.
Ngunit matapos niyang marinig ang mga plataporma ni Pastor Quiboloy, napahanga siya at napagtanto niyang karapat-dapat itong iluklok sa Senado.
“Ang gusto ko kay Quiboloy mabait siya dahil sa Panginoon. Ang tao sa kanya ay nato-touch din kaya ibigay ko rin ang tulong sa kanya. Kaya, ang sabi ko ngayon ay kumbinsihin ko talaga iboboto talaga si Quiboloy,” wika ni Filomena Deloria, Supporter.
“Kung gusto mo ang isang tao talagang pipilitin mo, kung gusto mo ang isang tao, mahal mo siya ay pipilitin mo ang sarili mo na siya talaga ang, iba ang dating sa puso. Ako ay pumunta ako rito dahil mahal ko si Quiboloy, kaya nasabi ko ang mga apo ko, mga anak ko, pamangkin ko ay i-todo ko para sa kanila,” dagdag nito.
Para naman sa grupong BBSP, inamin nilang matagal na silang hindi sumusuporta sa mga tradisyunal na politiko dahil puro personal na interes lamang ang kanilang inuuna.
Pero matapos nilang mapakinggan ang mga plano at adbokasiya ng Butihing Pastor, nakita nila ang kaniyang sinseridad na ipaglaban ang kapakanan ng taumbayan.
“We want to elect new people, fresh kasi ‘yung mga kumakandidato ngayon.”
“Pastor Quiboloy is very popular in Mindanao, wala akong nakikitang bahid ng kamalian. Those accusations ay it’s just only an accusations you have to prove in court. Kaya, ang aming organization na Bangon Bayan we have to speak up, sumigaw tayo kailangan natin na we have a new breed of Senator na walang bahid ng kasinungalingan at totoong tutulong sa ating bansang Pilipinas.”
“He is a good leader napapanood ko nga ‘yan everytime kasama ko ang mother ko doon sa programa ninyo. Kaya, ang aming grupo tutulong kami,” saad ni Medillio Domingo, Founder, Bangon Bayan Sulong Pilipinas.
Samantala, mula sa Caloocan City, dumayo rin si Kagawad Gina Ortis ng Barangay 177 para ipakita ang kaniyang suporta.
Aniya, nakita niya ang pagiging isang tunay na lingkod-bayan ni Pastor Apollo C. Quiboloy kaya nararapat lamang na mailuklok ito sa Senado.
“Nakita ko na isa siyang mabuting lider, they started 15 or 12 tapos ngayon ay millions of members. Ibig sabihin na mayroon siyang good leadership at kaya niyang pasunurin o kaya niyang makapagpabago or makapag-contribute ng magandang bagay, programa at proyekto.”
“Sa tingin ko ay ‘yun ang magiging daan para magkaroon ng tunay na pagbabago ang Pilipinas,” ayon kay Gina Ortis, Kagawad, Brgy. 177, Caloocan City.
Dagdag pa ni Ortis, sawa na siya sa mga politikong inuuna ang sariling interes at hindi ang kapakanan ng taumbayan.
“Kapag tumatakbo ka hindi ‘yung interest mo kundi bagkus interest ng nakakaraming Pilipino higit lalo not to protect your business, your family bagkus ‘yung protektahan mo is ‘yung mga Pilipino na kapwa mo Pilipino at ‘yung interest ng nakararami talaga,” dagdag ni Ortis.
Binigyang-diin naman ni Eleanor Cardona, kinatawan ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement ang kahalagahan ng bolunterismo sa pagpapalaganap ng magagandang layunin at adbokasiya ng butihing Pastor.
“Ang pagtakbo kasi ni Pastor ay hindi lang para sa kaniyang kapakanan pero kapakanan ng buong Pilipinas at buong Pilipino. So, pilit man nilang patahimikin si Pastor kaya napakahalaga ng volunteerism. So, ngayon mga tao na ang lumalapit at nakikipag-alyansa sa atin, nakikipag-partner sa atin, nagvo-volunteer sila na nae-enlighten sila, nalalaman nila lalo kung ano ang nangyari sa ating pinakamamahal na Pastor at sa KOJC. Napakahalaga po na ibigay natin, hindi lang para sa ating purpose pero sa ating bansang Pilipinas. So, ang pag-volunteer natin ay hindi para kay Pastor lamang kundi para sa ating bansa para sa bawat Pilipino. Kaya, panahon na lahat kayo ay inaanyayahan namin na lumakad tayo sa mga nabibilang nalang na panahon at mga araw ay ibigay natin ‘yung oras natin, mag-volunteer tayo, ipakilala natin si Pastor, isiwalat natin ‘yung magandang plano para sa ating bansa,” pahayag ni Eleanor Cardona, Representative, Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement.
Tiniyak naman ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ang kanyang pagtakbo sa Senado ay hindi para maging isang pulitiko, kundi para maging isang tunay na lider ng bansa.
“Kailangan natin ng tunay na pagbabago at kailangan natin ng isang leader hindi isang politiko. Sabi nga ni Pastor mawasak man ako sa politika pero hindi ako politiko, lider ako. Ang kailangan ng bansang Pilipinas ay lider na katulad ni Pastor Apollo C. Quiboloy,” ani Cardona.
Sa ilalim ng plataporma ng Butihing Pastor, isinusulong niya ang zero corruption; pagsugpo sa ilegal na droga, kriminalidad, kahirapan, kakulangan sa edukasyon, pati na rin ang pagpapalakas ng ekonomiya at turismo ng bansa.
Sa kabila ng mga kontrobersiya, patuloy na lumalakas ang suporta kay Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, at nananatili ang kaniyang pangakong maglingkod nang tapat sa sambayanang Pilipino.