Pagtataguyod sa International Humanitarian Law, tiniyak ng AFP

Pagtataguyod sa International Humanitarian Law, tiniyak ng AFP

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang pangako na itataguyod ang prinsipyo ng International Humanitarian Law (IHL).

Ito ang iginiit ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Jorry Baclor kasabay ng pagdiriwang ng IHL na may tema na “Upholding IHL as we recover from the pandemic: Bayanihan to reduce the suffering in armed conflict toward advancing the gains of peace and reconciliation.”

Tampok dito ang kahalagahan ng IHL upang mapigil ang mga pagdurusa kaugnay ng armadong labanan.

Pinangunahan naman ni Brigadier General Joel Alejandro Nacnac, director ng AFP Center for Law of Armed Conflict ang pagbabasa ng pangako na muling nagpapatibay sa pagsunod ng AFP sa mga prinsipyo ng IHL na ginanap sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Hinimok ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ang militar na manatili sa tamang landas, pagbutihin ang pagganap, at tumuon sa pagtupad sa misyon ng pagprotekta sa mga mamamayan at ng estado.

Follow SMNI NEWS in Twitter