Pagtatatag ng nickel processing plant, hakbang tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas

Pagtatatag ng nickel processing plant, hakbang tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas

IKINATUWA ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang anunsyo ng isang joint venture sa pagitan ng Nickel Asia Corporation at DMCI Mining Corporation para magtayo ng isang nickel processing plant sa bansa.

Ayon kay Escudero, ang partnership na ito’y isang “monumental stride” na magpapalakas sa kakayahan ng Pilipinas na maging isang pangunahing manlalaro sa industriya ng pagmimina sa buong mundo.

Sinabi ng Senate President na ang kolaborasyong ito’y isang mahalagang hakbang para mapalago ang industriya ng mineral processing sa bansa, na magdudulot ng mas mataas na halaga sa mga likas na yaman ng Pilipinas.

“This partnership is a monumental stride in our journey to add greater value to our mineral resources,” ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Sa ilalim ng nasabing batas, ipagbabawal ang pag-export ng raw minerals mula sa Pilipinas, at ipatutupad ito limang taon matapos ang paglagda ng batas.

Naniniwala si Escudero na makatutulong ang joint venture ng Nickel Asia at DMCI Mining para mapagtibay ang layunin ng Senate Bill 2826, na magsusulong ng lokal na mineral processing at magpapaangat sa posisyon ng Pilipinas bilang isang pangunahing bansa sa industriya ng pagmimina.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter