INAASAHANG matatapos sa katapusan o unang bahagi ng taong 2023 ang pagtatayo ng 6-storey building ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Diliman, Quezon City.
Ayon kay DPWH Sec. Manuel M. Bonoan, nasa 38 porsiyento na ang natapos sa naturang proyekto na nagkakahalaga ng 269 milyong piso.
Ani Bonoan, ang bagong PAGASA building ay magbibigay ng magandang pasilidad para sa mga siyentista na nararapat para sa mga ito dahil sa kanilang mahalagang papel sa pagbibigay-proteksyon sa buhay at mga ari-arian.
Matatagpuan ang itinatayong bagong gusali ng PAGASA sa loob ng Science Garden Complex sa Diliman, Quezon City.