NAGSIMULA na ang National Irrigation Administration (NIA) sa konstruksiyon ng isang proyekto na makatutulong sa mga magsasaka.
Ito ay ang Bayabas Small Irrigation Project sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan na nagkakahalaga ng higit P2.4-B.
Ayon kay NIA Acting Administrator Eduardo Guillen, kapag natapos ang proyekto kaya nitong patubigan ang halos 30,000 na ektarya ng lupang sakahan sa 17 munisipalidad sa Bulacan.
Gayundin ang apat pa na mga bayan sa Pampanga.
Aabot naman sa higit 20,000 na magsasaka ang makikinabang sa irigasyon sa oras matapos.
Hindi lamang ito makatutugon sa isyu ng posibleng kakulangan tubig sa bansa kung hindi makapagbibigay rin ng iba pang benepisyo sa ekonomiya.
Binigyang halimbawa ng opisyal ang aquaculture development, turismo, at watershed development.