MALI na tawaging ‘pro-China’ ang isang kandidato.
Komento ito ng dating National Security Adviser na si Clarita Carlos hinggil sa isyu kung saan para sa ibang Pilipino, hindi dapat iboto ngayong nalalapit na midterm elections ang ganitong uri ng mga kandidato.
Dapat aniya, sa voters na nagsasabi nito ay intindihin muna kung ano ang ibig sabihin ng ‘pro-China’ lalo na’t napakalawak ng ugnayan ng Pilipinas at China.
Halimbawa na rito ang ugnayang pang-ekonomiya, politikal, at iba pa.
Dagdag pa ni Carlos, nasabihan na rin siyang ‘pro-China’ ngunit ang totoo niyan ay isa siyang scholar na naiintindihan ang malawak na ugnayan sa pagitan ng nabanggit na dalawang bansa.
Follow SMNI News on Rumble