HINDI napigilang magbigay ng matapang na pahayag ang isa sa mga ministro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil sa kawalan ng respeto ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil nang tawagin nitong hindi pastor si Pastor Apollo C. Quiboloy kundi isang pugante na nagtatago sa batas.
“Specially you PNP Chief Marbil, calling our Pastor, he is not a Pastor, who are you? Sino po kayo para sabihin na si Pastor Apollo C. Quiboloy ay hindi po Pastor? at fugitive po siya ng batas. Sino po kayo?” pagtatanong ni Bro. Carlo Catiil, Minister, KOJC.
Giit ng KOJC Minister Carlo Catiil, walang karapatan si Marbil na tawagin nang ganoon-ganoon lang si Pastor Apollo.
Dahil dito, ibinalik din ni Catiil ang tanong sa heneral kung karapat-dapat din ba itong tawaging hepe ng pambansang pulisya gayong sa mga politiko lamang ito sunud-sunuran at hindi sa taumbayan na sanay dapat nilang pinaglilingkuran.
Bigo rin aniya ang PNP na protektahan ang mga naapi at totoong biktima ng mga pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan at posisyon kung kaya’t wla itong karapatan na alimurain ang pangalan ng butihing pastor.
“Ikaw ibabalik ko din ang tanong, PNP Chief ka pa naman, Philippine National Police, di ba dapat, chief ka ng PNP and you have to serve and protect us, mga mamamayan ng bansang ito. But you are only serving and protecting sa interes ng mga politikong pinaglilingkuran po ninyo. And you have the guts at kakapalan ng mukha na tawagin si Pastor na hindi Pastor. Kayo po Chief po ba kayo ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas? o Chief lang kayo sa mga nag-utos sa inyo dahil sa pampersonal na interest?” diin ni Catiil.
Nababatikos nga ngayon ang PNP dahil sa marahas at agresibong operasyon nito sa sana’y simpleng pagsisilbi lamang ng arrest warrant kay Pastor Apollo na nauwi sa pananakit, pagsira sa mga ari-arian ng KOJC, pananakot, at pagbaliktad sa mga totoong nangyari noong June 10, 2024 nang salakayin ng mga ito ang mga sagradong lugar ng pagsamba ng KOJC members sa Davao City at Sarangani Province.
KOJC officials sa mga kinakaharap na hamon sa Kingdom, mananaig din ang katotohanan─KOJC Exec. Sec
Gayunpaman, buo ang paninindigan ng KOJC na hindi nila iiwanan si Pastor Apollo sa kanilang mga dasal na sana nasa mabuti itong kalagayan kasama ng gabay ng Dakilang Ama.
“Sa mga nagsasabi na fugitive si Pastor, nag-i-evade sa law, for us in the Kingdom of Jesus Christ, full-time miracle workers and members, we do understand and we are really praying for our beloved Pastor’s protection just like the story in the Bible of what happened to a weak King Ehab and his wicked wife Jezebel. She is so wicked as she wanted to kill the Prophet Elijah, that’s why it was God who hid Elijah, he was hidden because to protect him and save him to preserve his life, so that when the time comes, he can perform his mission that God has given him. So ‘yun, magkaiba, huwag kayo magsabi ng basta he is not a pastor, he’s a fugitive, so ‘yun ang stand ng KOJC, our Beloved Pastor will remain a pastor anuman ang accusations na ginagawa ninyo kaya hinay-hinay kayo sa mga sinasabi ninyo,” ayon kay Sis. Norie Cardona, Executive secretary, KOJC.
Darating anila ang panahon na matapos na ang kapagsubukang ito sa Kingdom Nation at mananagot ang dapat na managot sa mga nang-alipusta sa tahanan ng Diyos at sa kaniyang hinirang na anak at sa huli mananaig din ang katotohanan.
“Kung anuman ang mga ginagawa ninyo, mga playboook ninyo diyan, wala ‘yang sinasabi sa kapangyarihan ng Dakilang Ama. Kaya sa lahat ng mga nangyayari ngayon, may orchestration and He will intervene in the affairs of this nation and time will come that the truth and justice will really prevail because you cannot hide darkness from the light because the light has already come and truth will really come out,” diin pa ni Cardona.
Una nang ipinaliwanag ng legal counsel ng KOJC na hindi maituturing na fugitive o pugante si Pastor Apollo dahil ginagamit lamang nito ang kaniyang karapatan sa ilalim ng batas lalo pa’t may mga mapanganib na banta ito sa kan’yang buhay.
Sa halip naman na ianunsiyo ang pabuya para kay Pastor Apollo, dapat anilang tugunan ng pamahalaan ang motion for reconsideration na inihain ng KOJC sa Department of Justice para sa reversal ng paghahain ng mga reklamo sa Pasig City at Quezon City Regional Trial Courts.