DAHIL sa krisis sa bansang Ukraine ipinanawagan na nila ang pagtigil ng Russia sa pagsalakay sa kanilang bayan.
Sinabi ni Olena Mazur na mayroon nang humanitarian crisis na nangyayari, wala ng pagkain at mahigit tatlongdaan na ang namatay na sibilyan sa labanan.
Nagsimula ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine nitong Huwebes nakaraang linggo, ilang oras matapos iutos ni Russian President Vladimir Putin ang special military operation noong Miyerkules ng gabi.
Kasunod ng pahayag ni Putin ay nagkaroon ng mga pagsabog sa Kyiv na kabisera ng Ukraine at sa iba pang malalaking siyudad sa naturang bansa.
Mga Ukrainian sa Pilipinas, nangangamba sa kaligtasan ng kanilang mga kaanak at kaibigan sa Ukraine
Nangangamba ang mga Ukrainian sa Pilipinas sa seguridad ng kanilang mga kaanak at kaibigan dahil sa patuloy na nararanasang krisis at kaguluhan sa Ukraine.
Dahil dito ipinanawagan na nila ang pagtigil ng Russia sa pag-atake sa kanilang bansa.
Ilang araw nang umiiral ang krisis sa Ukraine na mas tumindi pa sa mga nakaraang araw.
Dahil din dito nanawagan ang Ukranian Community sa NCR sa Russian government na tigilan na ang mga operasyon nito sa kanilang bansa.
Hindi mapigilang umiyak ni Olena Mazur, isang Ukranian dahil sa nararamdamang pangamba at pag-aalala sa kanyang mga pamilya at kaibigan na nasa Kyiv, Ukraine.
Aniya napakahirap ng sitwasyon ng kanyang mga kaanak dahil sa patuloy na pag-atake ng Russia sa kanilang bansa.
“They are hiding,” ayon kay Olena.
Ibinahagi rin ni Darya Potaichuk ang sitwayson ng kanyang 65-anyos na ina na kasuluyang nagtatago sa isang bomb shelter sa Kyiv.
Aniya nais mang lumikas ng kanyang ina pero imposible dahil sa patuloy na air-strike na ikinakasa ng pwersa ng Russia at sa takot na mapatay ng mga Rusong sundalo.
Ang Pilipina na si Natasha Kosheleva, hindi na napigilan ang kanyang asawa na si Yaroslav na isang lawyer at representative ng Ukrainian Chamber of Commerce in the Philippines na piniling bumalik sa Ukraine upang lumaban para sa kanyang bansa.
“I’m very proud of him,” saad ni Natasha.