Pagtitipid ng tubig at pagsasaayos ng water services, dapat bigyang prayoridad—DENR

Pagtitipid ng tubig at pagsasaayos ng water services, dapat bigyang prayoridad—DENR

DAPAT bigyang prayoridad ang pagtitipid ng tubig at pag-upgrade ng mga imprastraktura para sa maayos na water services sa Kalakhang Maynila ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Dahil sa pabago-bagong rainfall pattern kaya nagkakaroon ng kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila ayon sa DENR.

Ayon kay DENR Sec. Antonia Loyzaga, dapat bigyang prayoridad at tutukan ang dalawang mahahalagang bagay sa gitna ng problemang nararanasan sa water supply.

Una aniya ang water conservation o pagtitipid ng tubig.

 “Immediately for all of us in our community is conservation. You have to check the way you are using your own water. Kung minsan napakatagal magligo. Kung minsan nagwawashing cars tayo or other uses na hindi naman strategic or kailangan na critical na paggamit ng tubig,” ayon kay Sec. Antonia Loyzaga, DENR.

Pangalawa ani Loyzaga, ang pagsasaayos ng mga imprastraktura na naghahatid ng suplay ng tubig sa mga residente.

Kritikal ayon sa kalihim na matukoy kung ilang litro ng tubig ang nawawala dahil sa mga imprastrakturang hindi upgraded.

Binigyang halaga rin ni Loyzaga ang partisipasyon ng pribadong sektor sa pagpapabuti ng mga nasabing imprastraktura.

“Kaya mahalaga ‘yung presence ng private sector because here is where the investment comes from in terms of the upgrading of the infrastructure na puwede pa magdeliver ng water to all the zones and to all the areas na kailangan naman ng tubig,” dagdag ni Loyzaga.

Water Summit, isinagawa ng DENR

Samantala, isinagawa ang isang Water Summit nitong Lunes ng hapon Hulyo 17, 2023 kung saan nagtipun-tipon ang mga pangunahing stakeholder.

Sa nasabing summit, pinag-usapan ang water management agenda ng gobyerno at mga ginagawa ng pribadong sektor upang matiyak ang water security sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter