Pagtutok sa kapakanan ng mga OFW, may pinakamataas na approval rating—Pulse Asia Survey

Pagtutok sa kapakanan ng mga OFW, may pinakamataas na approval rating—Pulse Asia Survey

PINAKAMATAAS na approval rating ang pagtutok sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Matataas ang ratings ng Marcos administration sa pito mula sa 14 na isyung kinakaharap ng bansa.

Batay ito sa Disyembre 3-7, 2023 Pulse Asia Survey na inilabas nitong Enero 8, 2024.

Sa resulta, 78 porsiyento ang approval rating ng gobyerno hinggil sa pagtutok nito sa kapakanan ng mga OFW; 76 porsiyento sa pagtugon ng mga pangangailangan sa mga disaster-affected areas; 62 porsiyento para sa pangangalaga ng kalikasan; at tig-61 porsiyento para sa pagtataguyod ng kapayapaan at pagdepensa ng integridad ng teritoryo.

Nasa 56 porsiyento ang approval rating ng gobyerno sa laban kontra kriminalidad; at 51 porsiyento para sa pagpapatupad ng batas.

Pinakamataas naman sa disapproval rating ang pagtugon ng pamahalaan sa inflation na may 73 porsiyento.

Kaugnay rito, sa survey pinakapangunahing concern din ng mga Pilipino ang agarang maresolba ang inflation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble