PINURI ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang pagtutulungan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC-NTF) at National Youth Council (NYC) sa paglaban nito sa recruitment ng makakaliwang grupo sa mga kabataan.
Ito’y kasunod ng pahayag ni NYC Chair Usec. Ronald Cardema na ang kanilang regional offices ay nakikipag-ugnayan sa Office of the Vice President at kay Department of Education Secretary Sara Duterte upang mabantayan ang mga paaralan mula sa recruitment activities ng CTG front organizations.
Sa programang Spotlight nitong Biyernes, inihayag ni Pastor Apollo na wala na talagang kapangyarihan ang makakaliwang grupo lalo na’t si VP Sara ang Secretary of Education.
“Napakaganda nito kasi noon eto sila gumagala sa mga unibersidad, kolehiyo, high school na walang hadlang kumbaga talagang open door sila. Ngayon, iba na ang sitwasyon Raoul Manuel. Si Vice President Sara Duterte open a declaration against you NPAs sapagkat she also experienced your brutality, your terroristic acts and now she is Secretary of Education, do you think she will just turn a blind eye sa pangrerecruit ninyo? She has a power as an Education Secretary, kung may power kayo na gumawa ng ganyan na wala kayo dito sa kapangyarihan ng education, mas more itong may kapangyarihan sa Education na walang iba kundi ang ating Secretary of Education, ang ating Vice at the same time Vice President of the Republic of the Philippines,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.
Ayon pa kay Pastor Apollo, lumang-luma na ang sinasabing red tagging ng makakaliwang grupo laban sa bise-presidente.
“Kung inuugnay mo ang kanilang mga recruitment activities, red tagging. Lumang-luma na, wala nang naniniwala sa inyo, wala na, hindi na kayo makapag-cover. Noong bago pa ang red-tagging, makapal pa, ngayon manipis na manipis na. Hindi na tinatanggap ng tao ang panloloko ninyo,” dagdag ni Pastor Apollo.
Pastor Apollo C. Quiboloy, muling nanawagan na sumuko na ang CTG
Kaugnay nito hinihimok ng butihing Pastor ang mga komunistang grupo na sumuko na lang dahil hindi na sila makakalinlang pa.
Matatandaang nagbabala ang Regional Task Force-ELCAC 6 na lahat ng mga guro na sumasapi o kasabwat ng NPA sa panlilinlang sa mga paaralan ay makakasuhan, gayundin ang mga kandidato sa Barangay at SK Elections na suportado ng CTGs.
“Naka-coral na ang bansang Pilipinas, hindi na makapanlinlang ang mga ahas na ito, kung makalusot man ito sila, makakalusot sila sa butas ng karayom pero pag nakalusot sila putol din ang ulo, wala na kayong matatakbuhan, sumurrender na kayo,” ani Pastor Apollo.
Mga miyembro ng CTGs, hindi makakaligtas kay VP Sara Duterte—Pastor ACQ
Sa huli, binigyang-diin ng butihing Pastor na hindi makaliligtas ang mga komunistang grupo kay Education Secretary at NTF-ELCAC Vice Co-Chair VP Sara Duterte.
“Hindi na kayo makakaligtas, may lambat na kayo, si VP Sara Duterte naging Education Secretary para bantayan ng estudyante at naging Vice co-chair ng NTF-ELCAC para isulong ang lahat ng kabutihan para sa ating mamamayan sa mga kalibliban ng mga barangay,” dagdag ni Pastor Apollo.
Meron ng mga nasa gobyernong tumatayo para sa atin na gusto ng kapayapaan.