WALANG pagbabanta sa pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa ginanap na 8th Manila Forum noong nakaraang linggo.
Ito ang sinabi ng Geopolitical Analyst Prof. Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News.
Ayon kay Malindog-Uy, pinapayuhan lamang ng Chinese Ambassador ang Pilipinas hinggil sa kaligtasan ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa Taiwan sakaling magkaroon ng digmaan.
Ito ay sa gitna ng pagpayag ng Pilipinas na madagdagan ang EDCA sites sa bansa na pinaniniwalaang nakaragdag sa tensiyon sa rehiyon.
Sinabi pa ni Malindog-Uy na dapat maging patas ang Pilipinas kay Ambassador Huang Xilian bilang kinatawan ng China sa bansa.
Binanatan din ni Malindog-Uy ang komento ni Sen. Risa Hontiveros na iminungkahi sa Malakanyang na pabalikin na ang ambassador sa China.
Ipinunto ni Malindog-Uy, na hindi trabaho ng isang government official na maglalabas ng pahayag na posibleng magiging sanhi ng away sa pagitan ng dalawang bansa.