Pahayag ni PBBM na ‘di niya kilala si Bamban Mayor Guo, kasinungalingan—Atty. Roque

Pahayag ni PBBM na ‘di niya kilala si Bamban Mayor Guo, kasinungalingan—Atty. Roque

MAY patutsada kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque hinggil sa mga binitawang salita nito kaugnay kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Roque, hindi totoo ang sinasabi ng Pangulo na hindi niya kilala ang nabanggit na mayor dahil nagkita na ang dalawa sa Bulacan Rally ng Uniteam noong campaign period para sa May 2022 national elections.

Matapos ang pagkikita ni Pangulong Marcos at Guo sa Bulacan ay sinabi pa ni Roque na nasundan pa ito sa Pampanga.

Matatandaang nang matanong ng media ang Pangulo noong Mayo 16 sa isang event sa Cagayan de Oro ay itinanggi ni Pangulong Marcos na magkakilala sila ni Guo.

At dahil hindi nga ito kilala ay kailangang ma-imbestigahan kaagad si Guo dahil nagtataka rin umano ang Pangulo sa citizenship nito.

Matunog ang pangalan ni Guo sa kasalukuyan matapos makuwestiyon sa pagdinig ng Senado ang pagkakakilanlan niya maging ang pagkakaugnay niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na ni-raid kamakailan sa Tarlac.

Follow SMNI NEWS on Twitter