HINDI pagkakaibigan ang nais ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pasimula kundi nais nitong sakupin ang bansa, iyan ang inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa programang Spotlight sa SMNI News kasunod ng naging pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga senador sa Spain kung saan ayon sa senador ay mas palawigin pa ang 500 taon ng pagkakaibigan at kasaysayan sa pagitan ng Pilipinas at Espanya.
Ang pahayag na ito ni Zubiri ay umani ng maraming batikos lalo na at maraming pang-aapi ang nangyari sa panahon ng kolonisasyon ng Espanya sa bansa.
Para din kay Pastor Apollo, hindi katanggap-tanggap na tawaging pagkakaibigan ang mayroon ang Pilipinas at Espanya noong pasimula sapagkat hindi pantay ang naging trato sa mga Pilipino dahil sa katunayan aniya ay inalipin pa tayo ng mga Espanyol.
‘‘Kung titingnan sa pasimula kung totoo ang pag-uusapan, hindi friendship, they want to colonize us, ang tawag nga sa atin mga Indios, hindi ako proud sa mga panimula na pagpunta ng Spaniards dito because they have colonized us and then we are also subjected to so much, that’s why we have the Filipino-Spanish war, nung natatalo na sila e pinagbili tayo sa Americans.’’
‘‘Dahil lumalapas na sa pagkakaibigan, they try to hold us by the neck then our friends are no longer our friends. I don’t like that.’’
‘‘When equal respect is lost that is when the critical moment in your friendship comes into being, wanted to dominate the other,’’ ayon kay Pastor Apollo.
Binigyang-diin ni Pastor Apollo na mahirap o mayaman man ang isang bansa, lahat ito ay pantay-pantay lamang at may kaniya-kaniyang gobyerno.
Hindi umano nararapat na tawaging isang pagkakaibigan ang panlulupig sa isang bansa.
Inihayag din ng butihing Pastor na tayong lahat ay ginawang pantay-pantay ng Diyos kaya dapat ay maging pantay-pantay rin ang karapatan natin hindi lamang bilang isang indibidwal kundi bilang isang bansa.
‘‘I look at you as my equal, you look at me as my equal but when you try to squeeze my neck, get out of that relationship right away.’’ ‘‘We are all created by the God Almighty as equal, that’s how we should stand,’’ dagdag pa ni Pastor Apollo.
Ayon pa kay Pastor Apollo, upang tuluyang makawala ang Pilipinas sa kolonisasyon at kultura ng mga nanakop sa ating bansa ay itaguyod natin at mas ipakilala pa ang kulturang Pilipino lalo na ang wika na nagbubuklod sa bawat isa sa atin.