PAHRA nagsagawa ng State of Human Right Address 2024

PAHRA nagsagawa ng State of Human Right Address 2024

NAGLABAS ang Philippine Alliance of Human Right Advocate, (PAHRA) ng State of Human Right Address 2024.

Sa isinagawang State of Human Right Address sa lungsod ng Quezon, tinalakay ang naghihingalong agrikultura at ang patuloy na pagsirit ng mga presyo.

Kabilang na rito ang mga livestock, o ang baboy, bigas, gulay, at iba pang agrikultura, at bilihin sa bansa.

Ayon kay Val Vival ng Alyansa ng Manggagawa sa Agrikultura, mula nang umupo si Marcos Jr., puro pahirap na ang naranasan ng mga magsasaka ng bansa.

Bigo rin aniya ang kasalukuyang gobyerno ni Marcos Jr. na mapigilan ang talamak na smuggling tulad ng bigas, paghirit ng presyo ng gasolina, at iba pa.

Nagpapatuloy rin ang land grab sa mga kanayunan at korapsiyon sa gobyernong Marcos na ang naghaharing uri ay ang mga maimpluwensiyang kapitalista.

Panawagan ng grupo na unahin ang karapatan, katarungan, at kagalingan ng mamamayan, hindi ang Cha Cha, hindi giyera, hindi trapo, at dinastiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble