ISINAILALIM sa state of emergency ang bayan ng Pakil, Laguna dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Batay sa tala ng lokal na pamahalaan, dalawang bata na may edad 5 at 7 taong gulang ang nasawi dahil dito.
May limang iba pa na kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Mula Enero hanggang Hunyo 2, 2025, nakapagtala ang bayan ng 29 na kaso ng dengue at karamihan ay mga bata.