KINANSELA ng Philippine Airlines (PAL) ang ilang flights nito sa Setyembre 25 at 26, 2022 para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Ito’y matapos maaapektuhan ng Bagyong Karding ang bahagi ng central at northern Philippines kabilang ang main hub ng PAL sa Manila.
Kabilang sa mga nakanselang domestic flights ngayong araw, Setyembre 25:
Manila- Tacloban- Manila: PR 1987/ PR 1988/ PR 2983/ PR2984
Manila- Cebu- Manila: PR 1861/ PR 1862/ PR 1863/ PR 1864/ PR 1867/ PR 1868/ PR 1869/ PR 1860
Manila- Davao- Manila: PR 1818/ PR 1819/ PR 1820/ PR 1823/ PR 1824/ PR 2825
Manila- Iloilo- Manila: PR 2145/ PR 2146/ PR 2147/ PR 2148
Manila- Bacolod- Manila: PR 2135/ PR 2136/ PR 2137/ PR 2138
Manila- Roxas- Manila: PR 2205/ PR 2206
Manila- Puerto Princesa- Manila: PR 2787/ PR 2788
Busuanga (Coron)- Manila: PR 2964/ PR 2966
Cotabato City- Manila: PR 2958
Caticlan (Boracay)- Manila: PR 2050
Siargao- Manila: PR 2976
Kabilang sa mga nakanselang domestic flights sa Lunes, Setyembre 25:
Davao- Manila: PR 2808
Other adjustments – international flights
Ilang flights mula Japan (Tokyo Haneda, Fukuoka, Osaka Kansai, at Tokyo Narita) ay maantala ng lima hanggang anim na oras.
Pinalalahanan naman ng PAL na inaasahang may pagbabago sa flights dahil sa ‘developing’ na sitwasyon.
Patuloy na minomonitor ng PAL ang weather forecasts para sa mga paliparan sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa kung sakaling kailangang ikansela o iwasto ang iba pang flights at ruta nito.
Inabisuhan naman ng PAL ang mga pasahero na suriin ang estado ng kanilang byahe sa www.philippineairlines.com at i-click ang ‘Flight Status’ icon sa main page at ilagay ang flight number at ang petsa ng paglipad.
Maaaring suriin ang karagdagang abiso ng official Facebook page ng PAL.