Palarong Pambansa 2023, magsisimula ngayong araw; Dadaluhan nina PBBM, VP Sara

Palarong Pambansa 2023, magsisimula ngayong araw; Dadaluhan nina PBBM, VP Sara

OPISYAL nang bubuksan ang ika-63 na Palarong Pambansa ngayong araw na gaganapin sa Marikina City.

Magsisimula ang unang bahagi ng opening ceremonies ng Palarong Pambansa 2023 mamayang ala-una ng hapon sa parada ng mga atleta na magsisimula sa Marikina Riverpark hanggang sa Marikina Sports Center.

Dadaluhan naman ito nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte na siya ring kalihim ng Department of Education (DepEd).

Bukod sa parada, magkakaroon din ng marching band, cheer dance, field demonstration at concert; at magtatapos naman ang programa sa isang drone show at fireworks display.

Inaanyayahan naman ang publiko na manood sa opening ceremony ng Palarong Pambansa 2023 sa Marikina Sports Center.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter