NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagdeklarang insurgency-free na ang Palawan Island kasabay ng pagbubukas ng selebrasyon para sa National Peace Consciousness Month ngayong Setyembre 1, 2023.
“The milestone that we celebrate today epitomizes the commitment that you have put to end the decades-long insurgency in the area through the provision of national reintegration programs for former rebels and promotion of the island’s peace and security,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Sa kaniyang mensahe sa aktibidad sa Puerto Princesa City, pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga local counterparts at stakeholders ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa kanilang kontribusyon sa peace efforts ng gobyerno.
Binigyang-pugay ni Pangulong Marcos ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga Palawenyo sa implementasyon ng whole-of-nation approach upang matuldukan ang karahasan sa probinsiya.
“Kaya’t mas madaling lapitan ng mga local executive. Malaking bagay po ito. Ito ay malaking bahagi dito sa NTF-ELCAC. Kaya’t nagbago ang patakbo ng peace process dahil isa sa bahagi diyan ay ‘yung pagsama ng local government at ng lahat ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, ng national government upang tulungan at suportahan ang pagbalik ng mga naging rebelde sa ating lipunan,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang mga ito na itaguyod ang mga tagumpay ng kapayapaan sa Palawan sa pamamagitan ng pagtiyak sa epektibong paghahatid ng mga serbisyo ng gobyerno sa geographically isolated at disadvantaged communities.
“Congratulations sa inyong lahat. Ipagpatuloy ninyo ang inyong nasimulan at nang sa ganon ay maging mas mapayapa ang Pilipinas at maging mas mapayapa ang buhay ng bawat ng Pilipino,” ani Pangulong Marcos.
Ang insurgency-free declaration, ay suportado ng pinagsamang resolusyon na inilabas ng Joint Palawan Provincial Task Force ELCAC (PTF-ELCAC) at ng Provincial Peace and Order Council (PPOC).
Nakasaad sa joint resolution na lahat ng mga focused areas at Kinokonsolida Konsolidadong Ekspansyon at Rekoberi (KKER) areas sa Palawan at Puerto Princesa City ay clear na, batay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Clearing Validation Board Resolutions No. 01, series of 2020; No. 01, serye ng 2021; at, No. 01, serye ng 2022.
Na-obserbahan ng local law enforcement agencies ang kawalan ng New People’s Army (NPA)-initiated violent incidents at non-violent urban activities simula noong fourth quarter ng 2020.
Iniulat din ng Regional Intelligence Committee-4B (RIC-4B) na wala nang umiiral na NPA guerrilla formations sa lalawigan batay sa relevant intelligence reports na nabuo mula Oktubre 2021.
Samantala, inihayag naman ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang susi para makamit ang insurgency-free province ay sa pamamagitan ng pagtatatag ng good governance, pagsunod sa rule of law, at pagtiyak sa social inclusion.
“Transparent and accountable governance builds trust between and among citizens, and the government. The contribution of the security sector, led by the Armed Forces of the Philippines and Philippine National Police, is critical as we establish the conditions wherein those who wish to sow fear, mistrust and violence among the people of Palawan will lose their ability to do so. Members of the AFP and PNP have shown that they are not only peacekeepers but peacebuilders,” saad ni Sec. Carlito Galvez, Jr., OPAPRU.
Bukod kay Galvez, kabilang din sa mga dumalo sa event sa Palawan sina AFP chief General Romeo Brawner, Jr., Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy , na siya ring itinalagang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) ng RTF-ELCAC MIMAROPA, at Presidential Communications Office Secretary Cheloy Velicaria-Garafil.
Dumalo rin ang mga opisyal at kinatawan mula sa local government units, kabilang sina Palawan Governor Dennis Socrates, at Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron.