Palestinians na nag-aantay ng ayuda sa Gaza Strip, sinalakay ng Israel

Palestinians na nag-aantay ng ayuda sa Gaza Strip, sinalakay ng Israel

SINALAKAY ng Israel ang mga Palestinian sa Gaza Strip na nag-aantay ng ayuda nitong Huwebes, Enero 25, 2024.

Ayon kay Health Ministry Spokesperson Ashraf Al-Qidra, nasa 20 ang namatay at 150 ang sugatan dahil sa pag-atake.

Sa panig ng Israeli military, hindi pa nila makumpirma kung totoo ang naging ulat.

Mahigit-kumulang nasa 26-K Palestinians na ang nasawi simula nang mag-umpisa ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group.

Nang una namang sinalakay ng Hamas ang Israel noong Oktubre 2023, mahigit-kumulang nasa 2-K din ang namatay roon at ito na ang dahilan ng mga pag-atake ng Israeli military sa Gaza kung saan matatagpuan ang mga militanteng grupo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble